Be positive.
Summer na pala, bili muna tayo ng brep!

Summer na pala, bili muna tayo ng brep!

Thursday, April 10, 2014
Friday, March 28, 2014

kaliforhnia:

Idk why I keep getting sad over people that don’t give a shit about me.

Dem feels

Good mornyt!

Nai-stress na ako. Gusto ko nang magbakasyon. Kahit puro tulog muna ng isang linggo. Konting tiis nalang.

..tapos ang dami ko pang problema!! Lord, patulong!

Thursday, February 27, 2014

artbymoga:

Extremely personal piece. Doesn’t really need that much explanation.

*apologies if it turns up pixelated, just click the picture for a full res. view

Tuesday, February 18, 2014

How do I unwrite the past? 

How do I undo the mistakes?

How do I unlove you?

Sunday, February 16, 2014
Thursday, February 13, 2014

Naiinis ako kanina pero dahil Valentines Day na bukas, ibinabaon ko nalang muna. Haha Gusto ko lang sabihin na wala akong kavalentine bukas kasi una, single ako. pangalawa, single ako. At pangatlo, putangina single nga kasi ako. Tapos isinakto pa ang pagkuha namin ng ECT bukas. Wag nyo na akong tanungin kung ano ibig sabihin nun kasi hindi ko rin alam. Basta kailangan daw sya para makapagmajor na kami.

At dahil exam na bukas, di ako nagrereview. Madali lang daw, parang entrance exam lang. Tatanga tanga pa naman ako sa mga entrance exam na ganyan. Naalala ko dati pagkatapos kumuha ng entrance exam nung highschool…

Ako: Uy anong sagot nyo dun kung san daw nakalocate yung earth?
Kaklase1: Yung galaxy galaxy?
Ako: Oo. Ang weird. Meron nga dung choice na milky way e. Hahaha
Kaklase2: Oo nga, yun ata sagot ko.
Kaklase1: Milky way din sagot ko dun.
Top1: Milky way naman talaga.
Ako: Kaya nga.

…at mula nun, naisip kong hindi lang pala chocolate ang Milky way.

PS: Pumasa pa naman ako dun sa inexaman kong school na yun kahit di ako dun pumasok.

Wednesday, February 12, 2014

If you have haters, then you must be doing something right.

Tuesday, February 11, 2014

Mag aral ka kasi gusto mo hindi dahil kelangan mo.

Nadedepress na naman ako. Baka dahil to sa rizal namin kanina. Semis na di pa rin ako napasa. Bukod sa pafeeling major yung subject, ayoko na sa buhay ni Rizal.

Sino ba naman ang di mababagot sa buhay nya e high school palang mga e laman na sya ng libro? Labis labis na ang appreciation ko sa kanya. Lahat nalang kasi ng tungkol sa kanya pinag-aralan. As in lahat. Di ko naman sinisisi ang kakatihan ni rizal sa pagdami ng minahal nya, pero shit naman diba pati ba naman mga ex nya dapat namin sauluhin isa isa. Nakakabaog. Idamay na rin yung buong angkan nya simula lolo sa tuhod isama mga pinsan ni rizal. Pati yung mga pinuntahan nyang mga lugar, kung san sya nagsulat, nag-aral, nag-OJT, dapat saulo rin. Isa pa sa pinaka-ayaw ko ay ang pagsasaulo ng mga dates na yan. Ni birthday ng ibang kamag-anak ko di ko saulo e, ito pa ba?

Minsan naman yung mga kwento parang nabuo na lang bigla nung patay na si rizal. Pero siguro nga kung wala si rizal nasa kamay pa rin tayo ng mga espanyol. Salamat ng marami sayo rizal. Pero kailangan ba talagang pagkaseryosohin tong pag-aralan? Parang di naman.

Di ko alam kung kanino ba talaga ako nadedepress. Kay Rizal, sa rizal o sa prof ko. Kung sa prof ko lang, sorry rizal nadamay ka pa. Shit kasi mag-exam prof namin e. Pang masyadong bookish. Tss.

Pero hayaan nalang. Maiiraos ko rin to. Gusto ko lang mabawasan pagkadepress ko ngayong araw na to.

roneholic:

Naramdaman mo na bang sinasakal ka ng mundo? Na sa bawat kilos mo at galaw maging sa lahat ng makasama mo, laging may komentong di maganda at pag iisipan ng di kaaya-aya. Nakakasawa na di ba?

Sa bawat gawin naman natin, may masasabi at masasabi sila-positive man yan o hindi. Normal na yun. Pero minsan ok rin yung nakakarinig ng masasamang komento sa iba, para naman mas matututo tayo kung pano umappreciate.

Monday, February 10, 2014

Kanina nasa jeep ako nang biglang may sumakay na isang babae at lalaki. Nasa unahan ako at sila ay dun sa pinakauna sa likod. Bale nasa likoran ko lang sila. Nagkekwentuhan sila habang ako, nagtutulog-tulogan kunwari walang naririnig. Maya maya pa nag-iba yung topic nila..

Boy: Wag kang gagaya dun sa bestfriend ko noon ha?

Anong klaseng tanong yun? Isn’t it surprising? Biglaan masyado. Hinayaan ko nalang. Patuloy lang syang nagkwento habang ako patuloy na nakikinig.

Boy: Close na close kasi kami hanggang magkaboyfriend sya tapos nawala yung closeness namin. Syempre masakit para sakin. Yung minsan na isinasama namin yung jowa nya pero ako yung naoOP saming tatlo. Ganun parati hanggang sa nawala na yung closeness namin. Naging masaya sya sa boyfriend nya.

Akala ko tapos na pero may kadugsong pa pala…

Boy: Ayun lumipat na ako sa batangas at dito na nag-aral. One time kinamusta nya ako tapos naging close na ulit kami, single na pala ulit sya. Dinadalaw dalaw pa nya nga ako. Hanggang sa makahanap na ulit sya ng jowa at hanggang ngayon di na ulit kami nagkausap.

Akala ko tapos na syang magkwento nang bigla ulit syang nagsalita.

Boy: H’wag kang gagaya sa kanya, please?

Girl: Hindi kita iiwan. Promise.

Di ko alam kung bakit naaawa ako dun sa lalaki. Parang nandyan lang yung bestfriend nya pag kailangan nyang makalimot. Bumaba ako sa jeep at pumunta na sa paradahan nang biglang narealize ko na…

Nangyari na nga pala yun sakin.

 
Next page